Home NATIONWIDE Senado nag-adjourn nang walang inaprubahang biofuels amendments

Senado nag-adjourn nang walang inaprubahang biofuels amendments

153
0

MANILA, Philippines – Nag-adjourn ang Senado para sa Lenten break nang hindi pinagtitibay na amendements sa biofuel kahit certified as urgent ng Office of the Philippines na may layunin na tugunan ang epekto ng tumataas na halaga ng produktong petrolyo.

Kamakailan, inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa katanungan ni Senador Risa Hontiveros na tatalakayin ang biofuel amendments na magpapababa sa halaga ng langis sa bansa.

Ayon kay Zubiri sa panayam na maraming senador mula sa mayorya at minorya na nagpahayag ng pag-aalala sa epekto nito sa lokal na magniniyog, sugar farmers, ethanol producers at biodiesel producers.

“Parang there was a lot of fear among our colleagues na affected talaga sila,” ani Zubiri. “Wala akong magagawa. Ayaw ng members eh.”

Sinabi naman ni Senador Sherwin “Win” Gatchalina na aabot sa 400, 000 magsasaka ang apektado ng panukala.

“So, kailangan masigurado natin na yung mga farmers natin, 400,000 ay meron silang protection and safeguards,” aniya.

Naniniwala sina Zubiri at Gatchalian na maliit lamang ang maibabawas sa halaga ng gatong kapag inaprubahan ang panukala.

“The Senate is ready to have a special session in case studies will eventually show that it will dramatically benefit consumers,” ani Gatchalian.

Naunang sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang panukalang amendment sa Biofuel Law bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis sa pandaigdigang mercado.

Pinapayagan sa panukala na payagan ang Pangulo na umangkat ng biofuel components sa loob ng isang taon tulad ng bioethanol at biodiesel kung ang presyo ng blended gasoline o diesel engine fuels ay mas mataas ng 5% kumpara sa purong gasoline o diesel engine fuels.

“The bill earmarks proceeds from tariff and taxes imposed on those products during the period  for social amelioration programs for farmers and workers in the domestic biofuels industry,” ayon sa panukala ng Palasyo. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here