Home Uncategorized P18.86M lotto jackpot, nasungkit ng solo bettor

P18.86M lotto jackpot, nasungkit ng solo bettor

131
0

MANILA, Philippines – Nanalo ang isang bettor sa jackpot ng Lotto 6/42 sa isinagawang draw nitong Huwebes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Tinamaan ng nag-iisang nanalo ang kombinasyong 25-29-17-41-23-13 upang maiuwi ang premyong nagkakahalaga ng ₱18.86 milyon. Samantala, walang nakasungkit ng jackpot sa SuperLotto 6/49 na may premyong ₱124.19 milyon, kung saan lumabas ang kombinasyong 21-20-32-04-43-13.

Sa iba pang laro, walang nanalo sa 6D Lotto na may kombinasyong 8-7-0-5-6-8 at premyong ₱1.91 milyon. Sa 3D Lotto, umabot sa 205 ang nanalo sa 2 p.m. draw (5-7-0), 224 sa 5 p.m. draw (3-4-1), at 600 sa 9 p.m. draw (6-2-3), na bawat isa ay tumanggap ng ₱4,500.

Para naman sa 2D Lotto, may 370 nanalo sa 2 p.m. draw (26-26), 43 sa 5 p.m. draw (31-16), at 305 sa 9 p.m. draw (27-28), na may tig-₱4,000 na premyo.

Isinasagawa ang draw ng Lotto 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado, habang ang SuperLotto 6/49 ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes at Linggo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here