Home ENTERTAINMENT Rocco, nawindang sa electric bill, umaray!

Rocco, nawindang sa electric bill, umaray!

131
0

Manila, Philippines – Practically, walang mamamayan ang hindi umaaray sa taas ng electric bills.

Kahit mga artista na maganda ang kita’y nagrereklamo din.

Isa na dito si Rocco Nacino whose hanash on social media has gone viral.

May kinalaman ito sa kanyang March electric bill–particularly ang isinasaad nitong “differential bill.”

Umabot kasi ito sa halagang P31k bukod sa karaniwang kinokonsumo nila.

Ani Rocco: “Meralco, may I be connected to your customer service line? I am being billed for a differential bill of 31k plus.

“Saan galing ‘yan at ano ang basis n’yo for a differential bill aside from my monthly bill?”

Worried tuloy si Rocco na may dumating na Meralco employee sa kanyang bahay to disconnect his service.

Nagtatanong ang aktor kung may ganito din daw bang experience ang ilang consumers.

Finally, napagpaliwanagan daw siya ng Meralco ukol sa nasabing dagdag singil.

Binabalak na daw niyang mag-install

ng solar power system para iwas-pagbabayad ng madugong electric bill.

Ayon sa ilang netizens, kung ang isang artista tulad ni Rocco’y umaaray sa Meralco bill, paano na lang ang mas nakakarami na kakarampot lang ang sahod buwan-buwan?

Oo nga naman. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here