Home HOME BANNER STORY 17-anyos huli sa drogang ipinalaman sa kangkong sa Aklan

17-anyos huli sa drogang ipinalaman sa kangkong sa Aklan

123
0

AKLAN – Huli ang isang 17-anyos na binatilyo matapos umanong tangkaing magpuslit ng ilegal na droga na itinago sa tangkay ng kangkong habang bumibisita sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Aklan sa Barangay Nalook, Kalibo, Aklan noong Linggo, Abril 5.

Kinilala ng mga awtoridad ang menor de edad sa alyas na “Dadong,” na residente ng Barangay Bugasongan, Lezo, Aklan.

Narekober sa tangkay ng kangkong ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, gayundin ang mga nakarolyong piraso ng foil.

Ayon sa suspek, inutusan lamang siya na ihatid ang mga gulay at karne ng baboy para sa isang inmate sa loob ng kulungan.

Itinanggi niya na may kinalaman siya sa mga nakuhang ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon ng BJMP kaugnay sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here