Home NATIONWIDE Lumalalang energy crisis, tinutukan ng mga grupo; mas matibay na tugon ng...

Lumalalang energy crisis, tinutukan ng mga grupo; mas matibay na tugon ng gobyerno, hiniling

131
0
(c) Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nanawagan nitong Miyerkules ang multisectoral group sa pambansang pamahalaan na agad magpatupad ng mas matitibay na hakbang upang maprotektahan ang mga consumer ng langis at kuryente habang lalo pang lumalala ang krisis sa enerhiya, limang linggo mula nang sumiklab ang emergency bunsod ng digmaan ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.

Pinangunahan ng Power for People Coalition (P4P), sinabi ng mga grupo na kulang ang mga pahayag ng Marcos administration at Department of Energy na kontrolado ang fuel inventories dahil hindi nito natutugunan ang hirap ng mga consumer na hindi na makabayad sa kanilang pangangailangan sa enerhiya.

(c) Danny Querubin

“The last five weeks revealed how structurally absent means to protect consumers are in the country’s energy sector. How they were left to fend for themselves as pump prices kept soaring. We are all bracing for higher monthly bills as coal prices reach record highs. We remind our government that there is no time to delay decisions on price cuts, emergency aids, and alternatives–not when so many Filipinos are no longer sure where their next meal would come from,” ayon kay Gerry Arances, convenor ng P4P.

Ayon sa mga grupo, panibagong double-digit na taas-presyo sa mga produktong petrolyo nitong Martes ang nagtulak sa ilang jeepney at iba pang public utility vehicle operators na magpatigil ng biyahe.

“Ilang linggo nang hindi kumikita at nalulugi pa nga ang mga drayber. Ang komyuter, hirap makasakay. Libo-libo na ang ninakawan ng hanapbuhay ng krisis na ito. Bakit tila nag-aalangan pa rin ang pamahalaang gamitin ang emergency powers nito para pigilan ang pang-aabuso ng mga kumpanya ng langis? Sa ngayon, tuloy ang laban para sa pagsuspinde sa value added tax at excise tax sa langis, pagtutol sa mga price hike, mga programa para makapaghanapbuhay ang mga manggagawa sa transportasyon, at para wakasan ang deregulasyon sa industriya ng langis,” pahayag ni MANIBELA chairperson Mar Valbuena.

Binalaan din ng koalisyon na lalo pang maaapektuhan ang mga off-grid area na umaasa sa langis para sa suplay ng kuryente, kabilang ang Mindoro, dahil sa mataas na gastos sa power generation at banta ng mas madalas na brownout. Sinabi ni Fr. Edwin Gariguez ng Social Action Center of the Diocese of Calapan at lead convenor ng Protect Verde Island Passage na kabilang sa pinakaapektado ang mga mangingisdang komunidad na umaasa rin sa fuel para sa kanilang kabuhayan.

Ayon sa P4P, inaasahan ding tataas ang singil sa kuryente sa Abril, batay sa naunang pahayag ng Energy Regulatory Commission na iniuugnay sa digmaan at paghina ng piso.

Tutol din ang grupo sa planong dagdagan ang paggamit ng coal bilang tugon sa krisis dahil lalo lamang umano nitong tataasin ang gastos ng mga consumer.

“In the last month, coal prices have already jumped by 17%, and liquefied natural gas by 91%. If directly implemented into generation costs, blended rates could see a Php 5 increase. Coal and other fossil fuels are no solution; it’s a threat to consumers’ pockets that our government needs to guard against. A crucial response to the energy crisis is to establish protections for consumers by prohibiting pass-through costs, penalizing corporations for anti-consumer practices, and reducing reliance on coal, oil, and other fossil fuels in the immediate and long term,” ani Arances.

Isinusulong din ng mga grupo ang agarang deployment ng solar rooftop systems, kung saan tinaya ng CEED na ang paglalatag ng isang milyong 500-watt solar grids ay maaaring magbunga ng hanggang PHP373.14 milyong kabuuang matitipid kada buwan. Binigyang-diin ng koalisyon na kabilang sa mga dapat ipatupad ang price control, agarang economic relief, at emergency solar deployment bilang proteksyon sa mga consumer at bulnerableng sektor. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here