Home NATIONWIDE Higit 48K huli sa 3-araw “Safer Cities Initiative” ng PNP sa Metro...

Higit 48K huli sa 3-araw “Safer Cities Initiative” ng PNP sa Metro Manila

119
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na umabot sa 48,257 ang mga nahuling lumabag sa local ordinances sa Metro Manila sa unang tatlong araw ng pinaigting na “Safer Cities Initiative,” na layong itaguyod ang disiplina at kaayusan sa lungsod.

Batay sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), 23,376 ang nahuli mula Abril 7–8, kasunod ng 24,881 na naitala mula Abril 6–7.

Pinakamaraming apprehensions ang Southern Police District (9,503), sinundan ng Quezon City Police District (4,336), Northern Police District (3,878), Eastern Police District (2,916), at Manila Police District (2,743).

Sa kabuuan, 7,389 ang pinagmulta, 403 ang kinasuhan sa korte, habang 15,584 ang binalaan at pinalaya.

Kabilang sa mga pinakakaraniwang paglabag ang pag-inom at paninigarilyo sa pampublikong lugar (7,300), paglalakad nang walang shirt (2,543), curfew violations ng mga menor de edad (2,070), at videoke o karaoke na lagpas sa oras (572). May 12,485 pang ibang kaso gaya ng loitering at public disturbance.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang pagpapatupad ng mga ordinansa upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

Nanawagan din siya sa publiko na makiisa at sumunod sa simpleng alituntunin para sa mas maayos na kapaligiran.

Giit naman ng NCRPO, hindi umano ito “anti-poor” dahil pantay ang pagpapatupad ng batas sa lahat, anuman ang katayuan sa lipunan.

Tiniyak din ng PNP na magpapatuloy ang operasyon nang may respeto sa karapatang pantao at sa koordinasyon ng mga LGU at barangay. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here