Manila, Philippines – Inilabas ng CinemaBravo ang opisyal na poster ng mystery horror drama film na Poon (“The Hallowed”), kasabay ng world premiere nito sa ika-48 Moscow International Film Festival sa Russia mula April 16–28.
Pinagbibidahan ito ng mga award-winning na aktor na sina Ronaldo Valdez (RIP) at Jaclyn Jose (RIP) sa kanilang huling pagganap sa pelikula, kasama sina Gina Pareño, Janice de Belen, Lotlot de Leon, Allen Dizon, Ara Mina, JC de Vera, Martin del Rosario, Bembol Roco, at Elora Españo.
Kasama rin sina Kelvin Miranda, Althea Ablan, Joao Constancia, Nella Dizon, at PBBCollab alum na si Will Ashley.
Written by Jerry Gracio and directed by Adolfo Branaga Alix Jr., kasama rin si Dennis Evangelista bilang line producer.
Ipinrodyus ito ng mahusay na aktres na si Kristel Moreno ng C-Frame Production. At partner nya na Banana Entertainment.
Isa sa pinaka-magandang mystery horror movie ang pelikulang “Poon”.
Ang pelikulang Poon ay tungkol sa misteryosong pagkamatay ng isang patriyarka ng pamilya sa panahon ng Semana Santa.
Ang karakter niya ay napunta sa tatlong magkakahiwalay na apo niyang babae.
Habang sumasabog ang matagal nang galit at hinanakit sa isa’t isa, nagsisimula namang manakot ang isang mapaghiganting supernatural na nilalang.
Nakaugnay sa isang nakakatakot na rebultong panrelihiyon na tinatawag na “ika-13 Apostol,” tinatarget ng nilalang ang pinakabatang apo sa tuhod na si Faye, gamit siya bilang sisidlan upang ilantad ang pinakamadilim na lihim ng pamilya.
Sa makapangyarihang misteryo-horror drama na ito, kailangang tuklasin ng pamilya ang katotohanan sa likod ng kahina-hinalang pagkamatay upang harapin ang nakakatakot nilang nakaraan. Mercy Lejarde