Home ENTERTAINMENT Gerald, mas bet pag-usapan ang mga ganap sa bansa!

Gerald, mas bet pag-usapan ang mga ganap sa bansa!

127
0

Manila, Philippines – Mas naging “socially woke” si Gerald Anderson ngayon dahil sa kanyang naging serye.

Kuwento kasi ito which our kababayans can easily relate to–corruption.

Ito nga naman ang napapanahong paksa–as well as national concern–na tinututukan ng lahat.

Naikumpara tuloy ng aktor ang pamumuhay dito at sa Japan where he recently came from.

Partikular na napansin ni Gerald kung saan napupunta ang mga buwis na ibinabayad ng mga Hapones sa kanilang gobyerno.

Malinaw na alam ng mga Japanese where their taxes go–kabaligtaran kung ano ang nangyayari sa bansa.

Kaya naman hindi maiwasang magkaroon ng “sepanx” o separation anxiety ang Kapamilya actor nang natapos ang naturang teleserye.

Gerald also couldn’t help but amplify the Pinoys’ collective thoughts–“Sawa na ang mga Pilipino sa corruption!”

Pero tila sawa na ring pag-usapan ni Gerald ang tungkol sa nagkng relasyon nila ni Julia Barretto.

Hayun, sa halip na sagutin ng aktor ay idinadaan na lang niya sa tawa ang tanong.

Mas bet nga niyang mausig sa kanilang mga kasalanan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan than discuss anything pertaining to his lovelife.

Kunsabagay, ‘yun at ‘yon din naman palagi ang inuusisa sa kanya–sino’ng hindi maririndi? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here