Home METRO 2 utas sa pagbangga ng ambulansya sa NegOcc

2 utas sa pagbangga ng ambulansya sa NegOcc

88
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Dalawa ang nasawi, kabilang ang isang 70-anyos na babaeng pasyente, matapos maaksidente ang sinasakyan nilang ambulansya habang tinatahak ang daan patungo sa ospital sa Pontevedra, Negros Occidental.

Batay sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay Recreo noong Miyerkules habang dumaraan ang ambulansya sa naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon, umiwas umano ito sa isang sasakyan sa kalsada ngunit nawalan ng kontrol ang drayber at bumangga sa konkretong poste sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang apat na sakay ng ambulansya. Kalaunan, nasawi ang pasyente at isa sa mga kasama ng drayber. Nakaligtas naman ang drayber at isa pang kasama ng pasyente ngunit sugatan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here