Bulacan – Arestado ang isang lasing na ama matapos ilang beses magpaputok ng baril sa bakuran ng kanilang bahay sa lungsod ng Malolos nitong umaga ng Abril 12.
Sa ulat ni PLTCOL Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos police station, naganap ang insidente bandang 8:30 ng umaga sa loob ng isang subdivision sa Brgy. Pinagbakahan.
Ayon sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan complainant at ng suspek na kanyang ama na nasa impluwensya ng alak.
Dahil dito, dalawang beses na pinaputok ng susoek ang kanyang baril sa likod-bahay ng kanilang tirahan at agad na tumakas sa lugar.
Nang maiparating ng head security ng subdibisyon ang nangyaring insidente sa istasyon ay mabilis na tumungo sa lugar at nang malaman ang mga detalye ay nagsagawa ng hot pursuit operation kaya nahuli kalaunan ang suspek.
Nakumpiska ang caliber .38 revolver na walang serial number na kargado ng dalawang bala sa suspek na dinala sa istasyon para sa tamang dokumentasyon, disposisyon at nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III