Manila, Philippines – Alam daw ba ni Shuvee Etrata ang wastong pet care?
Bugbog-sarado kasi ang Kapuso artist sa online bashing matapos kumalat ang isang video kung saan pinaihi niya ang kanyang pet dog sa parking lot ng isang condominium.
Uploaded by Reddit community, ikinuwento sa video clip ang ganap noon pang 2025.
This was way before Shuvee joined Pinoy Big Brother Celebrity Collab Season 1.
Mapapanood sa video na inako ni Shuvee ang kanyang pagkakamali, knowing na bawal nga ‘yon.
Aniya: “Alam kong mali pero ginawa ko pa rin siya. Bawal kasi sa condo na umihi ‘yung pet ko, eh!”
Aminado si Shuvee na madami ang inihi ng alagang aso which she realized she should have brought to the building’s 7th floor.
Sinubukan pa nga daw sitahin ni Shuvee ang alaga named Yoda.