Home METRO Mister tigok sa pedestrian lane

Mister tigok sa pedestrian lane

85
0

BATANGAS, Philippines – Idineklarang patay na ng dumating sa pinakamalapit na pagamutan ang isang mister matapos itong aksidenteng mabundol ng isang Fuso Canter sa pedestrian lane noong Sabado sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay San Jose Sto Tomas, Batangas.

Kinilala ang biktimang nasawi  na nagtamo ng sugat sa ulo na idineklarang patay ng idating sa Laurel District Hospital na  si Alyas Jayson, nasa hustong gulang, naninirahan sa nabanggit na lalawigan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Sto Tomas City Component Police Station dakong alas-4:30 ng madaling -araw habang ang biktima na kasalukuyan umanong tumatawid sa pedestrian lane nang bigla itong aksidenteng mabundol ng isang Fuso Canter na minamaneho ni Alyas Pedro.

Napag-alaman na ang Fuso Canter ay galing umano sa Bulacan kung saan patungo ito sa San Pablo City, Laguna  ng  maganap ang insidente.

Samantalang, kaagad na isinugod ng rescue team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima sa Laurel District Hospital ,subalit idineklarang dead on arrival ang biktima. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here