Home METRO Ginang na may sakit todas sa kasagsagan ng usok ng Navotas landfill

Ginang na may sakit todas sa kasagsagan ng usok ng Navotas landfill

96
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isa sa evacuees na apektado ng nakakasulasok na usok mula sa Navotas Landfill na halos dalawang linggo nang nasusunog.

Sa ulat at Facebook post na nagviral tungkol dito, nitong Lunes, Abril 20, kinilala ang nasawi na si alyas “Lene”, 53.

Ayon sa ulat at base na rin sa mga kasamahan sa evacuation area sa Obando High School, ang biktima ay nahirapan huminga kaya isinugod sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Nabatid na may karamdaman na ang ginang bago pa lumikas at posibleng na trigger ang sakit dahil sa nalanghap na usok.

Sinasabing halos dalawang linggo na ang nasa mahigit isang daang residenteng inilikas mula sa isla na sakop ng Brgy. Salambao at Brgy. Binuangan na apektado ng makapal at mabahong usok mula sa nasusunog na landfill.

Kaugnay nito, patuloy na nagtutulong-tulong ang ilang ahensya, pamahalaang panlalawigan, bayan, pamahalaang barangay at mga karatig lungsod para tulungan ang mga apektadong residente habang inaapula ang sunog. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here