Home HOME BANNER STORY Kopya ng SALN ni VP Sara natanggap na ng House panel

Kopya ng SALN ni VP Sara natanggap na ng House panel

89
0

MANILA, Philippines – Natanggap na ng House Committee on Justice ang mga kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth ni Vice President Sara Duterte, ayon kay panel member Terry Ridon.

Batay sa mga kopya ng SALN, idineklara ni Duterte ang net worth na mahigit P71 milyon noong 2022.

Matapos ito ng P3.75 milyong liabilities na ibinawas sa total assets ng Bise Presidente at asawa nito na nagkakahalaga ng P74.8 milyon.

Ang total declared assets ng mag-asawa ay umakyat sa mahigit P80 milyon isang taon makalipas nito, habang ang liabilities ay bumaba naman sa mahigit P2.5 milyon, na nagpataas sa net worth ng Bise Presidente sa P77.5 milyon.

Noong 2024 naman, ang declared net worth ni Duterte ay tumaas pa ng P11 milyon, sa mahigit P88.5 milyon.

Nakita sa SALN nito na si Duterte at ang asawa nito ay mayroong total declared assets na mahigit P98.4 milyon at total liabilities na P9.95 milyon.

“I have to check lang the percentages of how it is, kung is it a reasonable increase year on year, ‘di ba? Basically, the SALN will provide the baseline of the wealth… Any information outside of the SALN that would show na there is a substantial difference from this particular fixed target, ‘yun po ‘yung magpapakita kung mayroon bang unexplained wealth o wala,” ani Ridon.

Pinuna ni Ridon ang deklarasyon sa 2024 SALN ni Duterte na siya ay stockholder ng kompanya sa Davao City na mayroon umanong pagkakaiba sa sarili niyang pagsisiyasat.

“Hindi naman pala talaga siya nakalista doon sa mga stockholders of record… Either nag-perjure ‘yung kumpanya kung hindi nila nilista si Vice President Duterte or nag-perjure si Vice President Duterte dahil nag-list na siya ng isang bagay na hindi naman pala totoo. So, we will leave it to the Vice President to provide that explanation,” ani Ridon.

Inaasahang tatalakayin ang mga dokumentong ito ngayong Miyerkules, Abril 22 ng House Committee on Justice sa pagpapatuloy ng pagdinig ng dalawang impeachment complaints laban kay Duterte, partikular ang mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na wealth at material non-disclosure sa kanyang SALN.

Inaasahan ding haharap sa panel sina Ombudsman Jesus Crispin Remulla, opisyal ng Anti-Money Laundering Council, at dating Senador Antonio Trillanes IV.

“’Yung AMLC, ‘very significant po yung testimony niyan. So, we’re expecting po na magkakaroon po ng reporting relating to yung pong massive inflows and outflows po mula po doon sa mga bank accounts nun pong mag-asawang Duterte-Carpio… Pangalawa, siyempre si Sen. Trillianes, yun pong context noong bank records ng Duterte family kasi siya naman po yung initially nagsabi eh, na meron pong mga joint and interrelated accounts, yung pong dating pangulo at yung kanya pong mga anak,” ani Ridon.

Inimbitahan din sa pagdinig ngayong Miyerkules ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Securities and Exchange Commission. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here