MANILA, Philippines – Nasunog ang isang bus sa EDSA-Ortigas Southbound nitong Biyernes ng gabi, Abril 24.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsimula ang sunog bago mag-alas sais ng gabi.
Dahil sa insidente ay naokupahan ang dalawang lane ng EDSA Whiteplains na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar.
Sa hiwalay na pahayag, nagdulot naman ng pansamantalang aberya sa operasyon ng MRT-3 ang sunog ngunit naibalik din naman sa normal ilang minuto matapos nito.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa Overhead Catenary System (OCS) ng tren ang naturang sunog. RNT/JGC