Home OPINION HUWAG ISAWALANG-BAHALA SAFETY INSPECTION AT INCIDENT INVESTIGATION

HUWAG ISAWALANG-BAHALA SAFETY INSPECTION AT INCIDENT INVESTIGATION

113
0

SA panahong patuloy ang pagkakaroon ng aksidente at work-related illnesses, lalong tumitindi ang pangangailangan para sa masusing safety inspection at incident investigation. Hindi lamang ito simpleng proseso ng pagsunod sa regulasyon—ito ay mahalagang hakbang upang mapangalagaan ang buhay, ari-arian, at kabuhayan ng bawat manggagawa at organisasyon.

Ang safety inspection ay isang proactive measure na nagsisilbing unang depensa laban sa aksidente. Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri sa mga kagamitan, lugar ng trabaho, at mga proseso, natutukoy ang mga posibleng panganib bago pa man ito magdulot ng sakuna. Halimbawa, ang sirang kable, madulas na sahig, o hindi maayos na makina ay maaaring mauwi sa malubhang aksidente kung hindi agad maaaksyunan. Sa simpleng inspeksyon kaakibat ang checklists, naiiwasan ang mas malaking problema.

Samantala, ang incident investigation ay mahalaga bilang reactive measure upang maunawaan ang ugat ng mga nangyaring insidente—maging ito man ay aksidente, near miss o property damage. Ang aksidente ay nagdudulot ng pisikal na pinsala, ngunit ang “near miss” ay isang event na muntik nang mauwi sa pagkasugat, minor man o major na aberya. Gayundin, ang pinsala sa ari-arian ay indikasyon ng kahinaan sa sistema ng kaligtasan.

Sa pamamagitan ng masusing imbestigasyon, natutukoy ang tunay na sanhi—hindi lamang ang nakikitang pagkakamali kundi pati ang kakulangan sa kaalaman, pagsasanay o mahinang pamamahala o superbisyon.

Kaya nga inobliga ng Department of Labor ang mga pribadong kompanya na magsumite ng report para sa aksidente, sakit at dangerous ‘occurences’ lalo na kung nagdulot ng disability ang isang pangyayari. Hindi layunin ng mga prosesong ito ang manisi, kundi ang matuto at maiwasan ang pag-uulit ng insidente. Ang bawat ulat at rekomendasyon ay nagsisilbing gabay upang mapabuti ang mga patakaran at kultura ng kaligtasan sa loob ng organisasyon.

Dear readers, ang safety inspection at incident investigation ay hindi gastos kundi isang pamumuhunan. Siyempre kung may puhunan, mayroong aasahang profit.

Ang paniniguro sa implementasyon ng safety and health ay garantisadong savings. Oo. savings na kakaiba. Savings na sinasagip ang buhay ng tao, iniiwasan ang asunto, pinatatatag ang negosyo, at inililigtas ang kinabukasan ng lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here