NATAWA na lang tayo matapos maipasa sa atin ang isang kolum kamakailan kung saan binabatikos si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno dahil sa ‘appointment’ ng isa (raw) niyang “pinsan” bilang Intelligence Field Officer sa isang malaking puwerto sa Metro Manila.
Nagkataon kasi na ‘Nepomuceno’ ang ‘middle initial’ ng nasabing opisyal kaya agad inisip ng mga “intrigero” at “matataba ang utak” sa pantalan na kamag-anak niya ito, hehehe!
Kumbaga, kaibigang Vic Reyes at Jervy M, inakusahan si Commissioner Nepomuceno ng ‘Nepo-tism,’ ahahay!
Sa totoo lang, marami nang “pikon” kay Comm. Ariel dahil masyado siyang “straight” hindi katulad ng kanyang mga pinalitan kaya nahihirapan silang bumalik sa baluktot na daan.
Aber, ilan na bang ‘appointees’ sa Customs ni Pangulong Bongbong Marcos — mismo– ang wala na ngayon sa pwesto dahil sa desisyon ni Comm. Nepomuceno?
Ang resulta nito, nahihirapan silang maghanap ng “pambutas” sa kanya kaya kahit ano na lang isyu– kahit malayo sa katotohanan– ibinabato, katulad ng nasabing fake news cum column.
Ang totoo? Hindi niya kamag-anak, hane? Ang totoo pa rin? Noon pang Enero, suspendido na itong opisyal na ito at nakasalang pa rin sa imbestigasyon matapos sumabit sa smuggling.
Sabi pa nga sa sablay na “column,” hindi raw nagustuhan ng Customs ‘stakeholders’ ang ‘pag-promote’ ni Comm. Ariel sa nasabing opisyal. Eh, hindi rin niya gusto ang performance kaya nga sinibak at walang posisyon hanggang ngayon, tama ba?
Marami rin siguro ang hindi nakakaalam na dati ring ‘field reporter’ (ABS/CBN) si Comm. Ariel kaya alam niya at “kapado” ang sitwasyon ng mga kagawad ng media.
At katulad ng mga matitinong kagawad ng media, sa lahat din ng ayaw niya ay ‘ang mga nagpapakalat ng ‘fake news.’
Kaya nga ang payo natin dito sa ating “kapatid,” iwasto ang nasabing artikulo at ilabas kung ano lang ang totoo.
Ito ay “payong kapatid” dahil nalaman natin na nagbabalak magsampa ng kasong ‘libel/cyber libel’ si Comm. Ariel eh, hindi natin pwedeng pigilan dahil karapatan din naman niya ito.
Abangan!






