Home METRO 4 senior nasagip sa lumubog na motorbanca

4 senior nasagip sa lumubog na motorbanca

80
0

LEYTE, Philippines – Lumubog ang isang motorbanca sa katubigan sa pagitan ng Barangay Tilmobo, Pres. Carlos P. Garcia, Bohol at Barangay Guadalupe, Maasin City, Southern Leyte, noong Abril 24, 2026.

Agad namang tumugon ang  Philippine Coast Guard (PCG) sa  insidente alinsunod sa  direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na lalo pang palakasin ang maritime safety at pahusayin ang Search and Rescue (SAR) operations sa buong bansa, nagtungo ang PCG, katuwang ang Task Force Kalikupan, sa iniulat na lugar upang magsagawa ng SAR operations.

Pagdating sa lugar, nakita ng SAR team ang dalawang motorbanca. Apat na indibidwal ang inilipat sa rescue boat ng LGU, habang ang natitirang tatlong tao ay ligtas na dinala sa baybayin ng Barangay Tilmobo.

Ang apat na nailigtas na indibidwal, na pawang mga senior citizen, ay ligtas na nakarating sa Pitogo Port at ipinagkatiwala sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para sa karagdagang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here