Home HOME BANNER STORY Senado naghahanda na sa posibleng impeachment trial vs VP Sara — Sotto

Senado naghahanda na sa posibleng impeachment trial vs VP Sara — Sotto

93
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na nagsimula na ang Senado sa pagtalakay ng mga posibleng scenario at paghahanda sakaling maipasa ng Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sotto, nag-caucus na ang mga senador upang pag-usapan ang mga posibleng hakbang, kabilang ang timeline, proseso, at logistical requirements ng impeachment proceedings.

“Pinag-usapan na namin ‘yung mga possibilities, if we ever do receive the articles of impeachment, then we discuss the preparations that we need to do,” ani Sotto.

Nilinaw niya na nakadepende pa rin ang lahat ng paghahanda sa kung maipapadala nga ng Kamara ang impeachment complaint sa Senado.

“All these suggestions and preparations and possibilities of timing depend on whether the articles of impeachment reach the Senate,” dagdag niya.

Tiniyak din ni Sotto na handa ang Senado na kumilos agad kapag natanggap na ang Articles of Impeachment.

“Kung matatanggap namin, we will act on it forthwith. Sa akin ang forthwith, the following day,” aniya.

Ipinaliwanag din niya na kailangang nasa session ang Senado para matanggap ang articles bago ito makapag-convene bilang impeachment court.

Samantala, sinabi rin niya na kailangang isabay ng Senado ang posibleng impeachment trial sa kanilang trabaho sa mga priority bills.

“17 pa eh, matrabaho pa,” ani Sotto, kaugnay ng mga nakabinbing panukalang batas.

Giit niya, mananatiling naka-depende sa magiging aksyon ng Kamara ang lahat ng timing at susunod na hakbang ng Senado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here