Home NATIONWIDE US nagbabala sa mga Amerikano laban sa NPA

US nagbabala sa mga Amerikano laban sa NPA

105
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng babala ang United States Embassy sa Maynila sa mga American nationals laban sa pakikipag-ugnayan sa mga grupong insurgent tulad ng New People’s Army (NPA), armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Ayon sa embassy, itinuturing na “foreign terrorist organization” ang NPA ng US at Pilipinas, at ang sinumang mapalapit dito ay “at grave risk of arrest, injury, or death.”

“Foreign terrorist organizations actively recruit Americans to participate directly in terrorist activities and/or provide financial support,” ayon sa pahayag.

Tinukoy din ang mga lugar na may mataas na panganib tulad ng mga rural at bulubunduking bahagi ng Leyte, Mindoro, Negros, at Samar, kung saan nagkaroon ng mga kamakailang sagupaan sa pagitan ng NPA at puwersa ng pamahalaan.

Ibinigay ang babala kasabay ng pinaigting na operasyon ng Armed Forces of the Philippines laban sa NPA.

Noong Abril 19, hindi bababa sa 19 katao ang nasawi sa engkuwentro sa Toboso, Negros Occidental, kabilang ang dalawang US citizens na sina Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem.

Pinayuhan ng embassy ang mga Amerikano na humingi agad ng tulong kung sila ay “unwittingly become associated” sa mga grupong may kinalaman sa terorismo o armadong paglaban sa gobyerno.

“If you encounter armed individuals not affiliated with police or military, leave the area immediately,” dagdag pa nito.

Nagbabala rin ang embassy na may ilang nongovernmental organizations na may ugnayan sa NPA at iba pang mararahas na grupo. Pinayuhan ang mga nais mag-volunteer na makipag-ugnayan lamang sa mga rehistradong grupo sa Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency at makipag-coordinate sa lokal na pamahalaan para sa seguridad. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here