Home NATIONWIDE Modernisasyon ng maritime sa Guimaras, siportado ng MARINA

Modernisasyon ng maritime sa Guimaras, siportado ng MARINA

57
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang modernisasyon ng sektor ng maritime sa Jordan, Guimaras, sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang Local Government Unit (LGU) ng Jordan at Arkitek Information Technology Services, Inc.

Nangako ang MARINA na paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga stakeholders upang mapahusay ang industriya ng maritime matapos lumagda bilang saksi si Regional Director Engr. Bernardo A. Pollo.

Sa ilalim ng kasunduan, ipatutupad ang manipesto© system kung saan ang lahat ng residente mula sa 14 barangay ng Jordan ay kailangang magparehistro. Ang bawat pasahero ng barko ay magkakaroon ng unique QR Code na ise-scan bago sumakay, na magiging bahagi ng digital manifest na real-time na ipapasa sa Philippine Coast Guard.

Ang proyektong ito, na bunga ng halos sampung taong pagsisikap ng LGU Jordan, Arkitek, at mga shipping operators, ay layong magbigay ng episyente, moderno, at ligtas na serbisyo para sa mga biyahero. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here