Home NATIONWIDE Road alert: Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa May 17

Road alert: Ilang kalsada sa Maynila, sarado sa May 17

61
0

MANILA, Philippines — Ilang pangunahing kalsada sa Maynila ang pansamantalang isasara sa trapiko sa Linggo, Mayo 17, upang bigyang-daan ang isang running event, ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau.

Magsisimula ang road closures bandang alas-1 ng madaling araw at maaapektuhan ang ilang pangunahing kalsada tulad ng Roxas Boulevard, Bonifacio Drive, P. Burgos Avenue, Finance Road, at ilang bahagi ng Intramuros at kalapit na lugar.

Ayon sa abiso, isasara ang northbound lane ng Roxas Boulevard mula Quirino Avenue hanggang Katigbak Drive at southbound lane mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo Avenue.

Apektado rin ang Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang Katigbak Drive; P. Burgos Avenue mula Roxas Boulevard hanggang Jones Bridge; Finance Road mula P. Burgos hanggang Taft Avenue; Maria Orosa Street mula P. Burgos hanggang Kalaw Avenue; Muralla Street mula Sta. Lucia Street hanggang A. Soriano Avenue; at Sta. Lucia Street mula Muralla hanggang A. Soriano Avenue.

Kasama rin sa isasara ang bahagi ng A. Soriano Avenue, Jones Bridge, Magallanes Drive sa harap ng Manila Central Post Office at Bureau of Immigration, gayundin ang ilang bahagi ng T. M. Kalaw Avenue at Quirino Avenue.

Pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta tulad ng P. Burgos Avenue patungong Taft Avenue para sa mga manggagaling sa McArthur at Quezon bridges, at M. H. del Pilar Street para sa mga galing sa Kalaw Avenue.

Naglatag din ng rerouting schemes para sa mga sasakyan mula Binondo, Intramuros, Pasay, at iba pang lugar, habang ang mga malalaking sasakyan ay pinayuhang dumaan sa itinakdang alternatibong ruta tulad ng Quirino Avenue, Capulong Street, Yuseco Street, at Lacson Avenue.

Ayon sa mga awtoridad, ang pagbubukas at pagsasara ng mga kalsada ay depende sa aktwal na sitwasyon ng trapiko sa lugar. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here