Home HOME BANNER STORY Diokno: Anumang mosyon sa pagbasura ng impeachment case labag sa Konstitusyon

Diokno: Anumang mosyon sa pagbasura ng impeachment case labag sa Konstitusyon

56
0

MANILA, Philippines – Paglabag sa Konstitusyon sa oras na ibasura ng mga senador ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos mag-convene bilang isang Senate impeachment court, ayon kay Akbayan party-list Rep. Chel Diokno.

Tinukoy ni Diokno ang Konstitusyon sa pagsasabing ang kaso ay dapat litisin sa oras na matanggap ng Senado ang articles of impeachment.

Nang tanungin nitong Biyernes, Mayo 15 sa posibilidad ng agarang mosyon para ibasura ang impeachment case, sagot ni Diokno ay: “Sa tingin ko po ay labag sa Konstitusiyon ‘yan.”

“Kapag natanggap ‘yung articles of impeachment, walang choice ang Senado kundi litisin ang kaso. And when the Constitution says, conduct a trial forthwith, ang ibig sabihin ay ilatag na ang ebidensya, ang testigo at dokumento,” ayon pa kay Diokno.

Iginiit din ni Akbayan party-list Rep. Perci Cendaña na kailangang magkaroon ng paglilitis para mapreserba ang integridad ng Senado.

“There has to be a trial. Nakakahiya na ang Senado kung kanilang pipigilan pa ‘yung paglilitis na ito. They cannot do this to the Filipino people the second time around. Itong mga nangyari itong araw– nakakahiya nga ‘yung Senado. Mas ipapahiya pa nila yung sarili nila,” ayon kay Cendaña.

Nauna nang sinabi ni Senate President Alan Peter Cayetano na magco-convene ang mataas na kapulungan bilang impeachment court sa Lunes, Mayo 18 o “at the soonest possible time.”

Naniniwala naman si Cendaña na ang motibo sa mga kaguluhan sa Senado noong nakaraang linggo ay para protektahan ang Bise Presidente.

“Alam naman natin ang ulterior motive ng lahat ng ito ay para protektahan si VP Sara Duterte. So we have here an institution of government that coddles fugitives but also acts as a protector of those who violate the law and those who abuse power,” pagbabahagi ni Cendaña.

Ayon naman kay Diokno, isa sa mga prosecutor sa impeachment trial laban kay Duterte, wala pa silang natatanggap na notice to appear sa Senado para sa Lunes.

“Ang pagkaalam ko wala pa kaming natatanggap na notice. Kung nakita niyo ‘yung sulat na lumabas sa social media na galing kay Senate president, he said that we will be advised of the proper time to appear at the Senate. So, sa pagkaalam ko ang mangyayari sa Lunes ay ico-convene lang daw nila ang Senate impeachment court,” ayon kay Diokno. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here