Home HOME BANNER STORY DOJ nilinaw: Pag-aresto kay Sen. Bato, ‘di utos ni PBBM

DOJ nilinaw: Pag-aresto kay Sen. Bato, ‘di utos ni PBBM

66
0

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Department of Justice Secretary Fredderick Vida na walang utos si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong” Marcos Jr para ipatupad ang arrest warrant ng International Criminal Court o ICC laban kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.

Ang pagpapatupad ng warrant na kinikilala bilang ‘valid’ matapos na walang inilabas na interim order mula sa Korte Suprema.

Dahil dito sinabi ni Vida na maaari nang ipatupad ng mga law enforcement ang arrest warrant sa Senador.

Sa isinagawang pulong balitaan ng DOJ, ininanunsyo ng kalihim na inatasan ang Philippine National Police at National Bureau of Investigation arestuhin si Sen. Dela Rosa.

Giit din ni Vida na tungkulin ng pamahalaan na kumilos upang matulungan ang mga biktima at kanilang pamilya na makamit ang hustisya.

Layon aniya sa direktibang ito na tuluyang maidala sa International Criminal Court ang mambabatas para harapin nito ang kasong kinasasangkutan.

Gayunpaman, wala pang tiyak na kasagutan kung saan agaran dadalhin ang senador sa oras na maaresto ng mga awtoridad.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here