MAUULIT kaya ang martial law sa buong bansa bago maghalalan sa 2028?
Sa martial law, hahawakan ng diktador na sibilyan o ng mga sundalo o pulis ang buong pamahalaan sa paglusaw sa Kongreso at lokal na pamahalaan, sa kalayaan sa pamamahayag at media at sa malayang kilos at boses ng mamamayan.
May pambansang martial law na nagsimula noong Setyembre 21, 1972 at nagtapos ito noong Enero 17, 1981 sa bisa ng Proclamation No 2045 na inisyu ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Gayunman, nagpatuloy ang diktadurya at natuldukan lang ito nang patalsikin si Marcos sa pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986.
Noon, sinasabing ninais ni Marcos na palawigin ang paghawak nito sa poder para magpayaman at mang-abuso ng kapangyarihan.
Sa Konstitusyong 1935, dalawang beses lang uupo ang Pangulo sa bisa ng dalawang halalang presidensyal.
Nahalal si Marcos noong Nobyembre 9, 1965 at nanungkulan siya ng tatlong taon hanggang 1969 at muli siyang nahalal noong Nobyembre 11, 1969 at dapat magtapos ang termino niya noong Disyembre 1973.
Ngunit idineklara nga niya ang martial law noong Setyembre 21, 1972 at dito na siya naging Pangulo hanggang Pebrero 25, 1986.
Naging maraming dahilan ng deklarasyon ng martial law, kasama na ang rebelyong komunista na nagsimula noong 1968-1969 at kaguluhan sa Mindanao.
Sa ilang kritiko sa nakatayong pamahalaan, mayroon na umanong tahimik na martial law sa anyo ng katakot-takot at sari-saring umano’y ‘harassment’ sa kanila gaya ng pagsasampa ng kaso at mabilis na pag-aresto sa kanila, kasama na ang impeachment, at itapon ang ilan sa kanila sa International Criminal Court, maniobra laban sa awtonomiya ng mga Muslim at iba pa.
At kung magkakagulo dahil sa mga ito, posible bang magka-martial law ulit?
Ngunit ang dulo ba nito ay pagpapalawig din ng termino ng sinomang nasa poder ngayon at para ano at kanino?
Good o bad luck na lang sa lahat!





