Home OPINION FORTHWITH VS FLOOD CONTROL SCAM

FORTHWITH VS FLOOD CONTROL SCAM

36
0

ISANG napakakontrobersyal na salita ang “fortwith” na makikita kaugnay ng kasong impeachment at nilalaman ng Article XI, Section 3(4) ng Konstitusyong 1987.

Hindi “kaagad-agad” na paglilitis o trial ang ibig sabihin nito kundi rasonableng panahon depende sa mga pangyayari o circumstances at magdedepende ito sa diskresyon o pagpapasya ng Senado ngunit hindi dapat malagay sa “undue delay “avoid undue delay to uphold the principle that public officers must at all times be accountable to the people.”

Ayon sa Supreme Court, maliwanag na magsisimula ang buong proseso mula sa araw ng pagsusumite ng Article/s of Impeachment at pagtatayo ng Senado ang sarili bilang Impeachment Court at susunod na rito ang mga hakbangin o paghahanda na may takdang panahon patungo sa paglilitis gaya ng sagutan ng magkabilang panig sa sumbong o complaint na tig-10 araw, pre-trial at paglalatag ng ebidensya kung ano-ano ang mga pupwedeng isyu ang palalabanan sa korte at iba pa.

At napagkasunduan na nga sa Impeachment Court na magsisimula ang aktuwal na paglilitis sa Hulyo 6, 2026.

Habang nasa gitna ng preparasyon sa aktuwal na paglilitis sa impeachment, nais sana nating isingit na “forthwith” ng Senate Blue Ribbon Committee (SBRC) ang imbestigasyon sa P1.3-P1.7 trilyong flood control program iskam.

Nakatayo at may pamunuan na ang SBRC at hindi katulad ito ng Impeachment Court.

Gaya ng nakagawian, naririyan pa rin ang pag-iisyu ng mga imbitasyon sa mga resource person na karaniwang nagbibigay sa mga ito ng 3-7 araw para makapaghanda at kung hindi sila sisipot, susunod ang subpoena na roon pupwersahin ang resource persons na magpakita at hahanapin at aarestuhin sila kung magtatago sila.

Tanong: Sa pamumuno ni Senator Pia Cayetano, kailan sisimulan ng SBRC ang pag-iisyu ng imbitasyon o kaya’y subpoena sa mga resource person para “forthwith” masimulan na ang imbestigasyon para maiwasan ang hindi makatwirang pagpapalawig ng pagpapanagot sa korapsyon at pandarambong sa mga dapat managot sa taumbayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here