Home OPINION SENATORS HAHATI-HATI, NAGDUDURUGAN NA

SENATORS HAHATI-HATI, NAGDUDURUGAN NA

99
0

MAGULONG-MAGULO ngayon ang Senado dahil sa agawan at ayawan sa mayorya at agawan sa Senate President.

NGAYONG araw, mayroon umanong magaganap muling pagbabago sa Senado.

‘Yun bang === susubuking agawin ng ngayo’y minorya ang Senate presidency.

Matatandaang nitong nakaraang dalawang linggo, naagaw ng grupo ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pamunuan ng Senado kay ex-Senate President Tito Sotto.

Ngayon naman, inayawan na si Sotto ng kanyang mga kasamahan at isinusulong umano nila si Sen. Win Garchalian para maging Senate President naman.

Umaasa silang may babaligtad mula sa kampo ni Cayetano dahil kay Gatchalian.

Hanggang sa tinitipa ito, 13 ang pabor kay Cayetano habang 11 ang kay Sotto.

Isa man lang sa mga 13 na mayorya ang babaligtad para maging 12 ang taglay na pwersa ng bawat isa, malalagay ang Senado sa tabla at maaaring maparalisa ang Senado sa mga gawain nito bilang tagagawa ng batas, dahil lalong babangis ang laban sa agawan ng mayorya at Senate presidency at magtatagal pa ito.

‘Pag tabla ang bilang, maaaring madeklara ang lahat ng pamunuan sa mga komite na nabuo na sa ilalim ni Cayetano at hindi makapagpasimula ang lahat ng komite sa kanilang mga gawain.

Halimbawa na lang ang Senate Blue Ribbon Committee na dapat nang magpatuloy sa matagal nang hinihintay ng taumbayan na pagkompleto sa imbestigasyon sa P1.3 hanggang P1.7 trilyng flood control program scandal para mapanagot na ang dapat managot.

DESISYON NG SUPREME COURT

Inaasahan ding maglalabas ang Supreme Court ng desisyon mula sa araw na ito ukol sa kaso ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at kay dating Pangulong Digong Duterte na rin, ukol sa hurisdiksyon o sakop ng kapangyarihan ng International Criminal Court o ICC sa kanila at iba pa.

Pinamagatan ang kaso na “G.R. No. 278747, Rodrigo Roa Duterte and Senator Ronald “Bato” M. Dela Rosa

v. Hon. Lucas Bersamin, et al.”temporary S

Nauna rito, nagkaroon ng press briefer ang SC at sinabing hindi nito pinagbigyan ang pansamantalang relief na hinihingi ni Dela Rosa na Temporary Restraining Order at/o Status Quo Ante Order laban sa warrant of arrest na inisyu ng ICC.

Ngunit pinagdedesisyunan na ang merito o sustansya ang isyu ng hurisdiksyon ng ICC at siyempre ang isyu na rin ng validity ng ICC warrant of arrest.

Kung ano ang magiging desisyon dito, dapat tanggapin nating lahat o pupwede pa ring mag-apela kung sino man ang hindi mabibigyan ng pabor.

IMPEACHMENT, KORAPSYON, MANIOBRA NG IBA

Habang nagkakagulo, nag-aaway-away, nagsisiraan at nag-aagawan sa kapangyarihan ang mga senador, meron lang tayong ilang katanungan.

Ano ba sa palagay ninyo ang puno’t dulo nito, mga Bro?

Ang impeachment ba na naglalayong pigilan o isulong si VP Sara Duterte sa pagka-Pangulo anomang oras o sa halalang presidensyal sa 2028?

Ang pagpigil o pagpapatuloy ba ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committeee sa pinakamalaking korapsyon at pandarrambong sa kasaysayan ng mahal kong Pinas?

Mayroon bang pwersa na hindi namamalayan ng higit na nakararami na nanggagatong o nagpapaapoy ng mga awayan o kaguluhan sa Senado para humina ito at ang pamahalaan at sila ang hahawak mismo sa pamahalaan makaraan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here