Home TOP STORIES Posibleng pagbisita ni Pope Leo XIV sa North Korea depende sa Pyongyang

Posibleng pagbisita ni Pope Leo XIV sa North Korea depende sa Pyongyang

3
0

SEOUL, South Korea – Sinabi ng South Korean cardinal na si Lazzaro You Heung-sik na nakadepende sa North Korea kung matutuloy ang posibleng pagbisita ni Pope Leo XIV sa bansa.

Ayon sa cardinal, handa ang Santo Papa na tumulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Korean Peninsula, ngunit ang North Korea ang kailangang magbigay ng imbitasyon at magtakda ng mga kondisyon para sa pagbisita.

“As I see it, it depends on North Korea,” sabi ni You, na binigyang-diin na nasa Pyongyang ang desisyon kung papayagan ang pagbisita.

Sinabi rin niya na ang naturang pagbisita, kung matutuloy, ay maaaring makatulong hindi lamang sa relasyon ng North at South Korea kundi pati na rin sa posibleng papel ng Vatican sa usaping North Korea–United States.

Dagdag pa ng cardinal, ang yumaong Pope Francis ay dati nang nagpahayag ng kahandaang bumisita sa North Korea at tumulong sa kapayapaan sa rehiyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here