Home NATIONWIDE Martial Law sa Senado, itinanggi ni Lacson: ‘Lahat ng opisina, sinusuri ng...

Martial Law sa Senado, itinanggi ni Lacson: ‘Lahat ng opisina, sinusuri ng PNP’

1
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na itinanggi ni Senador Panfilo Lacson ang paratang na may Martial Law sa Senado kaya nagkaroon ng Security survey and Inspection ang Philippine National Police  (PNP) sa lahat ng tanggapan, minorya man o mayorya.

Sa pahayag, hindi pinatulan ni Lacson ang paratang na nagkaroon ng “underclared Martial Law” sa Senado kundi bahagi ang SSI ng PNP katulong ang    Bureau of Fire Protection, at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paniniyak na ligtas ang gusali sa anumang banta sa seguridad.

“Anong Martial Law,” ayon kay Lacson.

Diin ni Lacson, ang inspeksyon ay nagbunga sa mga intelligence report na may security threat sa Senado – sabay giit na walang exemptions ang inspeksyon, maging ang mga tanggapan ng myembro ng majority bloc.

“Martial law? All the offices of individual senators, even including that of Acting Senate President Sherwin Gatchalian, as well as those occupied by the secretariat and all other offices, were subjected to safety and security inspections to make sure that we and the Senate employees as well as the media people covering the Senate will be safe and secure from a repeat of the May 13 shooting incident and mayhem that transpired under the watch of disgraced ex-Senate President Alan Peter Cayetano,” ani Lacson.

“Except for those of us who may be apprehensive that they may have kept or stored contraband items like firearms, explosives and drugs in their offices, those with clean consciences should all welcome instead of criticize the SSI that was conducted by the PNP and the Bureau of Fire Protection, assisted by the Armed Forces of the Philippines,” dagdag niya.

Nauna nang nagpalabas si Gatchalian ng advisory para sa lahat ng senador at mga tanggapan ng Senado na nagsasaad na ang SSI ay isinagawa dahil sa patuloy na mga impormasyon at intelligence reports mula sa National Bureau of Investigation (NBI), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at iba pang nagpapatibay na security assessments na nagkumpirma ng isang “evolving security concern.”

Sa naturang advisory, sinabi ni Gatchalian na ang lumalawak na usapin sa seguridad ay nagaganap sa gitna ng “heightened political tensions, ongoing impeachment proceedings, anticipated mass mobilizations” at panganib ng mga pagkilos na maaaring magbanta sa seguridad ng mga senador, opisyal at empleyado, at makagambala, makahadlang o makialam sa operasyon ng Senado.

Tumutol ang ilang minoryang senador sa inspeksiyon. Sa Facebook Live niya, tinanong ni Cayetano kung isinailalim sa “martial law” ang Senado dahil nailagay ito sa “lockdown.”

Nag-post naman si Sen. Robinhood Padilla sa Facebook na dapat tandaan ng mga senador na ang Senado ay para sa mga sibilyan at “wag po ninyong itrato na kampo tayo ng sundalo” – na sinangayunan ng “trolls” na nagsasabing “undeclared” o “silent martial law” na.

Nauna nang sinabi ni Lacson na sinuman ang gumagamit sa 18 “Maleta Boys” — mga dating sundalo na nagsasabing naghatid sila ng mga maletang puno ng pera sa iba’t ibang personalidad — para sa posibleng tangkang destabilisasyon ay hindi kayang pahinain ang propesyonalismo ng mga uniformed service. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here