Home NATIONWIDE 90-araw preventive suspension, ipinataw kay Sen. Jinggoy ng Sandiganbayan

90-araw preventive suspension, ipinataw kay Sen. Jinggoy ng Sandiganbayan

3
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Sandiganbayan Second Division ang 90-araw na preventive suspension kay Sen. Jinggoy Estrada na epektibo simula Hunyo 16, kaugnay ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y flood control kickback scheme.

Nauna rito, nagsumite ng reply ang Ombudsman prosecutors sa komento ng kampo ni Estrada noong Lunes ng gabi, na nagpapaliwanag kung bakit hindi siya dapat suspindihin habang nililitis ang kasong plunder at graft.

Nauna ring inutusan ng Second at Fifth Divisions ng Sandiganbayan ang prosekusyon at depensa na magsumite ng kani-kanilang posisyon kung dapat bang ipatupad ang preventive suspension sa senador.

Ayon sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Plunder Law, obligado ang korte na mag-utos ng preventive suspension sa mga nakaupong opisyal kapag may naihain nang valid criminal information laban sa kanila. Layunin nito na maiwasan ang pananakot sa mga testigo, pag-manipula ng ebidensya, at pang-aabuso sa kapangyarihan habang nakabinbin ang kaso.

Nauna nang nagtala ng not guilty plea ang Second Division para kay Estrada matapos siyang tumangging magpasok ng plea sa kanyang graft charge.

Samantala, nakatakdang i-arraign si Estrada at ang kanyang mga kapwa akusadong dating opisyal ng Department of Public Works and Highways – NCR sa Hunyo 30 sa Fifth Division kaugnay ng kasong plunder at graft. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here