Home NATIONWIDE Gatchalian, posibleng magsampa ng kaso vs Mike Defensor dahil sa ‘pekeng’ Senate...

Gatchalian, posibleng magsampa ng kaso vs Mike Defensor dahil sa ‘pekeng’ Senate hearing announcement

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Pro Tempore Sherwin Gatchalian nitong Martes na pinag-aaralan nila ang pagsasampa ng legal na aksyon laban sa dating kongresista na si Mike Defensor dahil sa umano’y maling pag-aanunsyo ng Senate committee hearing.

Ayon kay Gatchalian, walang awtoridad si Defensor para mag-anunsyo ng anumang opisyal na pagdinig ng Senado.

“He is not the chairman, he is not a member, he is not a senator. Why would he deceive the people? … we are also studying legal action because he is deceiving the people,” sabi ni Gatchalian.

Nauna nang sinabi ni Defensor na magkakaroon ng flood control probe ang Cayetano bloc sa labas ng Senado, ngunit walang kumpirmasyon mula sa mga senador ng naturang grupo.

Giit ni Gatchalian, nagdudulot ito ng kalituhan sa publiko dahil maaaring isipin ng mga tao na opisyal ang naturang hearing.

“Definitely, he’s inciting confusion… Because if they deceive the people, they think it’s official,” dagdag niya.

Ayon sa ulat, hindi natuloy ang nasabing hearing na dapat sana ay ginanap sa isang events place sa EDSA, matapos ding sabihin ng venue management na hindi ito matutuloy. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here