Home METRO Lalaking sangkot sa pagkasawi ng 2 katao kabilang ang 12 anyos stude...

Lalaking sangkot sa pagkasawi ng 2 katao kabilang ang 12 anyos stude sa Malabon, huli

3
0

MANILA, Philippines – Huli sa follow-up operation ng pulisya ang isang lalaki na sangkot sa naganap na pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang indibidwal kabilang ang 12-anyos na dalagitang estudyante sa Malabon City.

Nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Malabon City Police Station ang suspek na si alyas “Totoy”, 38, residente ng Dagat-dagatan, Brgy. Longos, na nahaharap sa kaukulang kaso.

Sa inilabas na ulat Martes ng umaga ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, naaresto sa follow-up operation ng kanyang mga tauhan ang suspek na itinuturong nakapatay sa 48-anyos na key maker at sa 12-anyos na dalagitang estudyante na tinamaan ng ligaw na bala.

Base sa pahayag ng dalawang testigo sa pulisya na tumutugma rin sa kuha ng CCTV, nagkaroon ng pag-aaway ang suspek at lalaking biktima dakong alas-4:20 noong Sabado ng hapon sa Blk17 Lt 39 Ph 2 Area 3, Brgy. Longos.

Hanggang sa nakitang tumatakbong palayo ang duguan ng biktima na may hawak na patalim habang hinahabol ng suspek na patuloy na nagpapaputok ng baril na dahilan upang tamaan naman ng ligaw na bala ang dalagita na residente din sa nasabing barangay.

Dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan ay kaagad binawian ng buhay ang lalaking biktima habang isinugod naman ang dalagita sa Tondo Medical Center subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay sanhi rin ng tinamong tama ng bala sa katawan. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here