Home OPINION SINO SILA: 90%, 150 KONGRESMAN KORAP

SINO SILA: 90%, 150 KONGRESMAN KORAP

3
0

SINO-SINO kaya ang mga kongresman na tinutukoy nina Baguio City Mayor Benjie Magalong at DPWH contractor Curlee Discaya na korap.

Sa isang interbyu sa isang telebisyon, sinabi ni Mayor Magalong, 90% ng mga kongresman ang korap.

Kay Discaya naman, nasa 150 kongresman umano ang kumikbak sa kanya sa kanyang mga proyekto.

Sa magkahiwalay nilang mga pahayag, mga brad, wala silang binabanggit na mga pangalan,

Ngunit sa imbestigasyon noon ng Senate Blue Ribbon Committee sa ilalim ni Senador Rodante Marcoleta, may pinangalanan na siyang 17 kongresman.

Ngunit sa kabuuan, sino-sino silang 90% at 150 kongresman na korap?

Tahimik na tahimik ang mga kongresman sa mga akusasyon, maliban lang ang sa 17 na pinangalanan ni Discaya.

Si Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong lang ang nanghamon kay Magalong na pangalanan nito nang may ebidensya.

Tiyak na hahanapan din si Discaya ng ebidensya.

Ang mga pahayag na 90% at 150 korap ay tunay ngang walang halaga kung walang mapangangalanan at walang ebidensya.

Kaya naman, obligasyon nina Magalong at Discaya na maglabas ng kanilang nalalaman sa pagkakikilanlan at patunay sa akusasyon.

Gayunman, napakarami nang pangyayari na palatandaan ng maaaring katotohanan ng mga pahayag ng dalawa.

May nasilip, halimbawa, si Magalong na mga pangalan nang miyembro pa ito ng Independent Commission for Infrastructure at sumbong sa kanya ng mga mayor na kasamahan sa buong Pilipinas.

Si Discaya naman, direktang naging biktima ng mga kikbakan nang higit na malaki kaysa kinikita nilang mag-asawa noon bilang mga kontraktor.

At ilang buwan ang nakararaan, nagsalita si ex-Speaker Martin Romualdez na kung tutuluyan siya sa kasong plunder bilang escape goat, isasama niya sa hukay ang iba pa, sabay turo mismo sa ehekutibo na siyang mastermind sa korapsyon.

Ano-ano kaya ang mga susunod dito?

O Ombudsman Boying Remulla, paano?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here