Home OPINION SUPER EL NINO, KIKBAKAN, PULITIKA

SUPER EL NINO, KIKBAKAN, PULITIKA

3
0

SA gitna ng lumiliyab na kikbakan at pulitika sa bansa, dapat isingit sa pambansang usapan ang napakainit na super El Nino na darating.

Magsisimulang mabuo ang super El Nino ngayong buwan ng Hunyo hanggang Agosto at bubuwelo na simula sa Setyembre at pagdating ng Oktubre hanggang Disyembre, diyan na ang kasagsagang ng sobrang init ng panahon na dala ng El Nino.

Hindi lang ‘yan, mga Bro. Magtatagal ang init ng panahon hanggang sa Marso 2027.

Maiimadyin ba ninyo ang ganyang kalagayan at ang ibubunga nitong napakalaking krisis sa Pilipinas?

BUONG DAIGDIG

Sinasabing magaganap ang El Nino hindi lang sa mahal kong Pinas kundi sa ibang mga bansa, kasama ang United States, Europa at Asya.

Hayaan na nating pag-usapan ang kalagayan sa US at Europe bagaman may epekto ang mga ito sa Pinas at sa halip, ipokus natin ang atensyon sa Asya, partikular ang Southeast Asia na ang Pilipinas, Thailand, Cambodia at Indonesia umano ang higit na tatamaan ng super El Nino.

Huwag din nating kalilimutan na tatamaan din ng matindi ang Vietnam at India.

KRISIS SA PAGKAIN

Unang-una sa dapat na pansinin ang bunga ng supe El Nino sa produksyon ng palay/bigas.

Tiyak na magkakaroon ang Pinas ng malaking kakulangan sa ani sa palay/bigas dahil sa kapabayaan ng pamahalaan sa agrikultura, partikular ang paggawa ng irigasyon o patubig.

Alam naman natin na nabubuhay sa tubig ang palay ngunit hindi ito gaanong binibigyang-importansya.

At ang masakit, sa importasyon ng bigas iniaasa ng pamahalaan ang laging kakulangan sa ani at umaabot lagi ito sa nasa 2 milyong tonelada o higit pa taon-taon.

Ngayong magkaka-super El Nino, tiyak umanong maging ang mga bansang pinagkukunan natin ng malalaking bulto ng imported rice gaya ng Vietnam, Thailand at India ay matatamaan din.

Kung hindi natin maaagapan ang super El Nino, tiyak na mahaharap tayo sa limitado at mas mahal na imported na bigas.

Ano sa palagay ninyo, mga Bro, ang mangyayari sa problema sa suplay at presyo ng bigas sa Pilipinas sa nakaambang krisis sa produksyon ng bigas sa Pilipinas, Vietnam, Thailand at India?

Matinding krisis ‘yan tiyak.

MGA DAM KUMUSTA?

Karaniwang iniaasa ang buhay ng mga irigasyon sa mga dam.

Ngunit karaniwang ding umaasa ang mga dam sa mga tubig-ulan para magkaroon ng laman.

Ngayong tag-ulan at may malakakas na bagyo, tiyak na mapupuno naman ang mga dam.

Ngunit pagdating ng Setyembre at lalo na sa Oktubre hanggang Disyembre, paano ang suplay ng tubig sa mga sakahan?

Isipin pang sa Nobyembre-Disyembre ang taniman din ng palay para sa anihan sa Marso-Abril ngunit walang maaasahang sapat na tubig sa mga buwang ito.

MGA PAGHAHANDA NASAAN NA?

Sa pondong bayan, pinag-uusapan pa lang, halimbawa, ang pambansang badyet, inilalako na ang mga kontratang bilyon-bilyobn ang halaga para pagkakitaan ng pinakamatataas na opisyal ng bayan, gaya ng sinasabi ni Navotas Congressman Toby Tiangco.

Kung ganito kaalisto ang mga opisyal ng bayan sa mga kikbakan, ano-ano naman ngayon ang mga paghahanda ng mga opisyal sa kinahaharap nating krisis sa bigas na daan-daang bilyong piso ang halaga?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here