Home OPINION EXTREME VIOLENCE SA TACLOBAN, WAKE-UP CALL PARA SA LAHAT

EXTREME VIOLENCE SA TACLOBAN, WAKE-UP CALL PARA SA LAHAT

3
0

NAGIMBAL ang buong bansa sa insidente ng pamamaril sa Tacloban na kinasasangkutan ng dalawang menor de edad. Nagdulot ito ng pagkasawi ng tatlo at 20 sugatan na mga inosenteng estudyante. Napaulat na isa sa mga suspek ay mahilig umanong maglaro ng “GoreBox’, isang online gaming na nagtutulak ng iba’t-ibang klase ng karahasan sa bawat player nito.

Bago pa man mangyari ang Tacloban incident, napaulat na rin ang ilang insidente ng bullying, pananakit at pananaksak na kinasangkutan ng mga menor de edad mula sa iba’t-ibang panig ng bansa. May kinalaman nga kaya ang ilang virtual na laro sa agresibong pag-uugali ng kabataan sa ngayon? Hindi kaya may iba pang dahilan bukod dito?

Maaaring hindi nakabubuti ang nasabing online amusement pero hindi maaaring sabihin na nakaimpluwensya rin ang sitwasyon ng pamilya, kapaligiran, peer pressure, mental health, at kawalan ng wastong paggabay.

Ayon sa datos ng World Health Organization o WHO, tinatayang nasa 12% ng mga kabataan ang nasa panganib ng problematic gaming, habang ang ilang pag-aaral ay nagpapakita ng 8.6% prevalence ng gaming disorder sa mga adolescent.

Ipinakikita rin ng mga datos ng Philippine National Police at Juvenile Justice and Welfare Council na patuloy pa ring may mga kasong kinasasangkutan ng mga batang lumalabag sa batas, kung saan nangingibabaw dito ang pagnanakaw, pananakit, at iba pang paglabag.

Kailangan sigurong solusyunan ang kakulangan ng kontrol, disiplina, at gabay para sa mga menor de edad. Kung ang isang bata ay mas maraming oras sa virtual world kaysa sa pakikipag-usap sa pamilya, pag-aaral, o pakikisalamuha sa komunidad, nababawasan ang tinatawag na affection at nagkakaroon ng panganib na hindi niya mauunawaan ang tamang asal, pagyakap sa reyalidad at consequence ng karahasang nakundisyon ng virtual gaming sa kanyang pag-iisip.

Kailangang kumilos ang lahat bago pa masundan ang nangyari sa Tacloban. Mas mainam na magpatupad ang pamahalaan ng mas mahigpit na age verification systems, regulasyon sa gaming cafés, at mas maraming youth intervention programs. Kailangang maging aktibong gabay ang mga magulang, maglaan ng oras para sa mga anak ata tamang pag-aaruga. Mas kailangan ng mga bata ang atensyon hindi lamang baon, pagkain, damit o gadget.

Mahalaga rin ang role ng paaralan lalo na ng mga gurong tumatayong pangalawang magulang ng mga bata. Kailangang maibalik ang GMRC (good manners and right conduct) lessons, palakasin ang values formation, spiritual at mental health education.

Kapag nakaharap ang isang bata sa screen ng karahasan, puro galit at paghihiganti ang kanyang mararamdaman. Pero kapag lagi niyang kausap ang nag-aaruga at umuunawa sa kaniya, sa bahay, paaralan o komunidad man, siguradong susuklian niya ito ng pagmamalasakit at pagmamahal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here