Home OPINION MGA MALETA VS 2ND ENVELOPE NI DRILON SA IMPEACHMENT (2)

MGA MALETA VS 2ND ENVELOPE NI DRILON SA IMPEACHMENT (2)

2
0

UULITIN ng pitak na ito na nagbababala si dating Senate President Franklin Drilon na kung maulit ang kontrobersya sa “second envelope” noong impeachment ni ex-President Erap sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, posible umanong lumikha ito ng panibagong istayl EDSA na pag-aaklas.

Sa totoo lang, nawalan ng saysay ang second envelope bilang ebidensya laban kay dating Pang. Erap sa akusasyong korapsyon nang mapatunayang nilalaman ito ang ngalan ni Jose Velarde na siyang tunay na may-ari ng salaping nakasaad sa dokumentong nakasilid sa second envelope at hindi si Erap.

Kaya naman, nawalan din ng kredibilidad ang mga nag-walkout na prosecutor sa hindi pagbubukas ng second envelope na sinundan na ng istayl EDSA na pag-aaklas laban sa dating Pangulo at naging pangunahing dahilan ng pag-alis niya sa Palasyo.

Sakali namang may kahalintulad na pangyayari o hindi pagpapalabas ng ebidensya sa mga akusasyon ngunit may tiyak na dahilan laban kay VP Sara, mag-aaklas din kaya ang mga prosecutor at maging ang kanilang mga tagasuporta, kasamang mambabatas at masterminds sa Palasyo at Kongreso?

Posibleng mangyari ito.

Ngunit ang malaking katotohanan ay hindi na lang mga prosecutor, mga kasama nilang kongresman, mga mastermind at mga tagasunod nila ang may sariling pwersa upang angkinin nang buo ang people power at ilunsad ito anomang oras na gusto nila.

May sariling people power na ang Mindanao at Visayas at walang nakasisiguro na maangkin ng mga nang-iimpeach kay VP Sara ang people power at kalsada sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.

Lalo na ngayong lumilitaw na wala nang katiwa-tiwala ng taumbayan sa mga mastermind sa impeachment gaya ng nagsisilabasang sarbey sa kanila mula Mindanao, Visayas, Luzon at Metro Manila.

Sa Senado lamang, natatapatan na ng ibang people power ang people power ng mga dating gumagamit nito, tama man o mali ang mga dahilan ng huli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here