Home OPINION PATAKARAN NG GSIS NA NAGLILIMITA SA SURVIVORSHIP BENEFIT PINAWALAMBISA NG SC

PATAKARAN NG GSIS NA NAGLILIMITA SA SURVIVORSHIP BENEFIT PINAWALAMBISA NG SC

2
0

ISANG malaking tagumpay para sa pamilya ng mga lingkod-bayan ang ipinagkaloob ng Supreme Court (SC) matapos nitong ideklarang ilegal o labag sa batas ang patakaran ng Government Service Insurance System (GSIS) na naglilimita sa survivorship benefits ng mga secondary beneficiaries.

Sa desisyong isinulat ni Asso­ciate Justice Henri Jean Paul Inting (na inilabas noong Feb­ruary 2026 at isinapubliko nga­yong June 2026), pinawalang-­bisa ng SC Third Division ang isang probisyon sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 8291 (GSIS Act of
1997).

Ayon sa Mataas na Hukuman, lumampas sa kapangya­rihan nito ang GSIS (ultra vires) nang magtakda ito ng karagdagang rekisito na wala naman sa mismong batas.

Nagsimula ang laban nang tanggihan ng GSIS ang apli­kasyon ng ama ng isang pumanaw na pampublikong guro. Ang guro ay nagsilbi sa gobyerno sa loob ng 13 taon at may 12 taong kontribusyon.

Dahil walang asawa at anak, ang kanyang ama ang secon­dary beneficiary.

Ginamit ng GSIS ang kani­lang patakaran na dapat ay hindi bababa sa 15 taon ang serbisyo ng miyembro para makakuha ng benepisyo ang secondary beneficiaries.

Bagama’t kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang GSIS, binaligtad ito ng Supreme Court.

ANG TUNAY NA PROBISYON NG BATAS

Nilinaw ng SC na sa ilalim ng GSIS Act, may karapatan ang secondary beneficiaries (gaya ng mga magulang) kung:
1. Walang primary benefi­ciary (asawa o anak).
2. Natutugunan ang kondis­yon ng dependency.
3. Nasa serbisyo pa ang miyembro nang mamatay.
4. Nakapagsilbi nang hindi ba­baba sa tatlong (3) taon.

Binigyang-diin ng Hukuman ang malinaw na hatian ng benepisyo batay sa haba ng serbisyo:
Haba ng Serbisyo
15 taon o higit pa
Buwanang Survivorship Pen­sion
3 taon hanggang mababa sa 15 taon

Uri ng Benepisyong Mata­tanggap

Lump-sum cash benefit (ka­tumbas ng 100% ng avera­ge monthly compensation sa ba­wat taon ng serbisyong may kontribusyon)

Babala ng SC sa mga Ahensiya: Ang mga ahensya ng pa­mahalaan ay may kapangyarihang gumawa ng regulasyon, ngu­nit hindi nila maaaring baguhin, bawasan, o dagdagan ang mga karapatan at benepisyong malinaw na ipinagkaloob ng Kong­reso.

BAKIT ITO MAHALAGA?

Ang desisyong ito ay magsisilbing matibay na sandigan para sa iba pang pamilya ng mga yumaong kawani ng pamahalaan na dati nang naitaboy o nanggigilan sa kaparehong patakaran ng GSIS. Inaasahan din nitong magtutulak sa iba pang ahensya na maghinay-hinay at suriin ang ka­nilang mga regulasyon para hindi lumampas sa batas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here