Home ENTERTAINMENT Ice, nagdadalawang-isip sa pagkakaroon ng baby!

Ice, nagdadalawang-isip sa pagkakaroon ng baby!

2
0

Manila, Philippines – In quandary ngayon si Ice Seguerra kung itutuloy pa ba niya o hindi na ang pagkakaroon ng baby, ang magiging supling bale nila ni Liza Diño.

As it is now, naka-freeze pa rin ang limang eggs ni Ice.

The decision is all up to the couple kung kailan nila gustong magkaroon ng baby.

‘Yun nga lang, hindi pala biro ang magpa-freeze ng eggs.

Habang nasa ganoon kasing proseso’y patuloy nila itong ginagastusan.

Kumbaga, hindi pa man nakikita nina Ice at Liza ang kanilang sanggol ay malaki na ang pinaluluwal nila financially.

Pero hindi ‘yon ang pangunahing concern why Ice is having second thoughts of making a go for it.

Aminado si Ice that age is fast catching up with him.

At present, 42 years old na si Ice and by the time he becomes a full-fledged father ay “thunders” na raw siya.

Physically ay baka raw hindi na niya kayaning mag-alaga ng sanggol.

Ice is not scrapping the whole plan though.

Ang tiyak–may idea si Ice tungkol sa kanyang passion film project.

May pamagat na Trans-fatherhood, balak niyang idirek ito base sa kanyang buhay.

Napipisil naman niyang writer si Liza.

He’s thinking of casting Starstruck alumnus Jesi Corcuera, a transman himself.

Sa dami rin ng mga naka-line up na commitments ni Ice, he doubts if pursuing real-life fatherhood is forthcoming. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here