Home METRO EJKs, nagpatuloy sa ilalim ng Marcos admin – watchdogs

EJKs, nagpatuloy sa ilalim ng Marcos admin – watchdogs

4
0

MANILA, Philippines – Sampung taon matapos ilunsad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang war on drugs sa ilalim ng Oplan Tokhang, sinabi ng ilang lider sa Mindanao at mga human rights group na nagpapatuloy pa rin umano ang extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Iglesia Filipina Independiente Bishop Felixberto Calang, nananatili ang kultura ng takot at impunity dahil hindi napapanagot ang mga responsable sa mga pagpatay.

“When former President Rodrigo Duterte was hauled off to The Hague, President Ferdinand Marcos, Jr. should have put an end immediately to the extrajudicial killings under the pretext of the war on drugs,” aniya.

Sinabi naman ni Kusog Mindanaw chairperson Charlito Manlupig na ang anibersaryo ng drug war ay paalala na hindi makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng takot at paglabag sa dignidad ng tao.

Naglabas din ng ulat ang Human Rights Watch (HRW), na nagsabing nagpapatuloy umano ang extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Marcos kahit nangako ito ng mas makataong kampanya laban sa ilegal na droga.

“Since Duterte opened his bloody ‘drug war’ a (decade) ago, Filipinos are still being killed despite President Marcos’ promise,” aniya.

Ayon sa Project Dahas ng University of the Philippines Diliman, may 1,273 naiulat na drug-related killings mula nang maupo si Marcos noong Hunyo 2022.

Sinabi naman ng Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) na bumaba ang mga pagpatay sa police operations ngunit dumami umano ang ilegal at arbitraryong pag-aresto.

Ayon sa HRW, limang drug war cases pa lamang mula 2016 ang nauwi sa hatol laban sa siyam na pulis.

Samantala, nakatakda nang litisin ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Duterte kaugnay ng mga alegasyon ng crimes against humanity, habang hinihiling din ng ICC ang pag-aresto kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

“The Marcos government’s claim of a bloodless anti-drug campaign rings hollow,” saad niya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here