Home OPINION ‘NO SECOND CHANCE’

‘NO SECOND CHANCE’

2
0

SA PAGPASOK ng ikalawang taon ni Undersecretary Ariel F. Nepomuceno bilang Customs Commissioner ngayong buwan ng Hulyo, malinaw ang kanyang mensahe: Mas maigting na kampanya laban sa smuggling at ang “kakambal” nito na katiwalian sa hanay ng mga opisyal at kawani ng Aduana. Dangan nga kasi, hindi magtatagumpay ang smuggling kung walang kasabwat sa mga tanggapan sa Customs, period!

Sa nakaraang isang taon, marahil naman “unawa” na ngayon ng mga kawani ng Customs na ‘Comm. Ariel walks the talk and do the talk,’ patunay ang ilang mga opisyal na sinibak na niya sa pwesto (pero pinalabas na lang na ‘voluntary resignation’ para hindi mapahiya ang mga kumag)—kasehodang may mga “padrino” pang mga politiko at mga “bossing” sa Malakanyang.

Aniya pa, ‘one strike policy’ na ngayon laban sa mga “ogags” at “pasaway” sa loob ng ahensya na sa tingin ng mga miron ay makatwiran dahil isang taon nga naman silang “kinunsinti” ni Nepomuceno sa paniwalang may panahon pa silang magbago.

Sa madaling salita? ‘No second chance’ na ngayon ang mga matutumbok na gumagawa ng kalokohan, yeheyy, ayy, huhuhu!

Aber, noon lang isang linggo, may lumabas na bagong ‘CPO’ (Customs Personnel Order) kung saan ilang collection districts na naman pala ang “binalasa” ni Comm. Ariel at Secretary of Finance Frederick Go. At kahit wala tayong “bolang kristal,” hindi na mahirap isipin kung ano ang dahilan, tama ba, NPC Lifetime Member, Kuyang Mon Tulfo?

Kaya ang “payo” natin dito sa isang Metro Manila Sub-Port Collector, aba’y “ingat” sa mga “galawan” bossing at baka makasama ka sa ‘Occom Hit List’ eh, sayang din naman ang iyong ‘career,’ hehe, ayy, huhu!

Alam ba kaya kasi ni “Kuya Caloy” yang mga diskarte mo na kinakaladkad mo ang kanyang pangalan sa iyong mga diskarteng ‘OPM’ (Oh, Promise Me) sa mga katransaksyon mo at ipagyabang na “magkamag-anak” kayo?

Eh, siguro, mas higit na magagalit si “Kuya Caloy” kapag nalaman na “Sampung Manok” umano ang hinirit mo sa isang katransaksyon mo dahil ang bulto—kwento mo raw—ay “para kay Kuya Caloy,” ganern?

Pero kung may nakarating nga na parating kay Kuya Caloy, eh, Kuyang, beke nemen, hehehe!

Abangan!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here