Home HOME BANNER STORY DOH, naka-Code White Alert sa Super Typhoon Inday

DOH, naka-Code White Alert sa Super Typhoon Inday

2
0

MANILA, Philippines — Isinailalim ng Department of Health sa Code White Alert ang operasyon nito nitong Martes bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday.

Sa ilalim ng alert status, sinabi ng DOH na mananatiling naka-24/7 alert ang Operations Center nito upang matiyak ang agarang pagtugon sa mga komunidad na posibleng maapektuhan.

Patuloy din umano ang koordinasyon ng ahensya sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, local government units, at regional disaster response units.

Ayon sa DOH, nananatili itong naka-standby upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng health services at agarang deployment ng tulong sa mga lugar na maaaring maapektuhan ni Inday.

Batay sa PAGASA, nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Super Typhoon Inday, kung saan pitong lugar ang isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1.

Nauna nang itinaas ang Signal No. 1 sa Batanes; Cagayan kabilang ang Babuyan Islands; hilaga at gitnang bahagi ng Isabela; Apayao; silangang bahagi ng Kalinga; hilagang bahagi ng Aurora; at hilaga at gitnang bahagi ng Catanduanes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here