Home NATIONWIDE VP Sara naki-fiesta habang nagpapatuloy impeachment trial

VP Sara naki-fiesta habang nagpapatuloy impeachment trial

2
0

MANILA, Philippines – Dumalo si Vice President Sara Duterte sa 18th Araw ng Bigaan at 65th Patronal Fiesta bilang paggunita sa Mother of Perpetual Help sa Barangay Bigaan, Hinatuan, Surigao del Sur nitong Miyerkoles, kasabay ng ikatlong araw ng pagdinig ng Senate impeachment court sa kanyang impeachment trial.

Naglabas ang Office of the Vice President ng mga larawan ng pagbisita ni Duterte, kung saan makikitang nagsalita siya sa mga residente sa naturang selebrasyon at nakibahagi sa tree-planting activity.

Wala nang ibang detalye na inilabas hinggil sa iba pang aktibidad ng Bise Presidente o sa nilalaman ng kanyang talumpati sa naturang pagtitipon.

Ang pagdalo ni Duterte sa selebrasyon sa barangay ay kasunod ng pagpunta niya sa Senado isang araw bago nito upang makipagpulong sa kanyang legal team bago ang pagpapatuloy ng impeachment trial, bagama’t hindi siya dumalo sa mismong pagdinig.

Nauna nang sinabi ng kanyang legal counsel na si Michael Poa na hindi personal na dadalo si Duterte sa trial dahil sa prior engagements. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here