Manila, Philippines – Hindi lang sa pag-arte, pag-awit, at pagiging beauty queen namamayagpag si Patricia Javier.
Kilala rin siya bilang isa sa mga artistang may tunay na malasakit at ginintuang puso pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Ayon sa mga taong nakasaksi sa kanyang mga ginagawa, tila mas pinipili pa ni Patricia na personal na maghatid ng tulong kaysa ipaubaya ito sa iba.
Sa katunayan, may ilan pang nagsasabing hindi matatawaran ang kanyang dedikasyon sa pagtulong dahil siya mismo ang nagtutungo sa mga nangangailangan.
Isa sa kanyang pinuntahan ay ang lamay ng 18 anyos na si Rene Clert “Bobet” Baterbonia, ang umuusbong na basketbolista na pumanaw noong Hunyo 8, 2026, matapos ang isang trahedya ng pagkalunod.
Personal na nakiramay si Patricia at nag-abot ng tulong sa naulilang pamilya ng binata.
Hindi lamang si Bobet ang naging bahagi ng kanyang pagtulong.
Isa rin sa mga hindi makalilimot sa kabutihan ni Patricia ay ang singer-actress na si Malu Barry. Noong panahong nilalabanan ni Malu ang stage 3 cancer, hindi siya iniwan ni Patricia.
Patuloy itong nagbigay ng suporta at tulong hanggang sa tuluyang gumaling ang kanyang kaibigan.
Sa likod ng kanyang tagumpay sa showbiz, nananatiling buhay ang hangarin ni Patricia na maging inspirasyon at maging mapagpala sa kapwa sa pamamagitan ng kanyang walang sawang pagtulong.
Nang tanungin ni yours truly si Patricia kung hindi ba siya napapagod o nagsasawang tumulong sa kapwa, simple ngunit taos-pusong tugon niya, “I’m happy whenever I can help others.”
Samantala, muling pinatunayan ni Patricia na hindi kumukupas ang kanyang husay sa pag-awit sa kanyang pagbabalik sa music scene. Tampok sa kanyang comeback ang inspiring single na “Imagine Me Without You,” na inilabas sa ilalim ng Enterphil at Viva Records.
Sa naturang awitin, muling naipamalas ni Patricia ang kanyang husay at walang kupas na passion sa musika.
Tiwala siyang ang mensahe ng kanta ay magbibigay-inspirasyon at aantig sa puso ng kanyang mga tagapakinig.
Samantala, inialay ni Patricia ang kanyang pinakabagong awitin para sa kanyang asawa na si Dr. Robert Walcher III, na mas kilala bilang “Doc Rob.”
Siya ay isang Amerikanong chiropractor na nagdala ng kanyang misyon sa larangan ng wellness sa Pilipinas.
Higit sa lahat, inialay rin niya ang awiting ito para sa kanyang Tagapagligtas na si Jesucristo.
Ani Patricia, “Doc Rob was surprised when he saw clips from our wedding in the music video. Then, when we renewed our vows, our kids were there too! But this project was made even more special with the support of my friends in the music video.”
Samantala, pinamumunuan ng asawa ni Patricia na si Doc Rob at ng kanyang team ang ilang Doc Rob’s Chiropractic Wellness Centers na patuloy na nagbibigay ng serbisyo sa Metro Manila at mga karatig-lugar. Mercy Lejarde