Home NATIONWIDE Operasyon ng illegal dumpsite sa Aeta ancestral land sa Subic ipinatigil ng...

Operasyon ng illegal dumpsite sa Aeta ancestral land sa Subic ipinatigil ng DENR

2
0

MANILA, Philippines – Nag-isyu ng cease and desist order ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa illegal dumpsite sa ancestral domain ng Aeta community sa Subic, Zambales.

“So itong dumpsite na tinutukoy ninyo, mayroon kaming cease and desist order already. In fact, two days ago, huling inspection ng ating regional office, hindi na po tinatapunan ngayon. And I think they have an alternative site already in Floridablanca,” sinabi ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna sa Kapihan sa Manila Hotel.

Ang suliranin ng apektadong Aeta community ay nalantad kasunod ng dokumentaryo ng GMA.

Napuno na kasi ng basura ang dating lugar na mayabong ng mga halaman at ang lokal na pinagkukuhanan ng tubig ay kontaminado na ng basura.

Samantala, sinabi naman ng lokal na pamahlaan na hindi nila alam na mayroong indigenous community na naninirahan malapit sa dumpsite.

Aminado naman ang DENR na hindi madali ang implementasyon ng Republic Act No. 9003 o National Solid Waste Management Act of 2001 na nagbabawal sa operasyon ng open dumpsite o pagpayag sa hindi awtorisadong koleksyon at pagbibiyahe ng mga solid waste.

“Maraming LGU are experiencing difficulty kung saan po magtatapon. Una, lalo na yung mga fourth, fifth, sixth class municipalities, wala pong lugar para magtayo ng landfill sa kanilang mga jurisdiction or wala silang kakayahan in terms of resources para gastusan ang landfill,” sinabi ni Cuna.

“Kailangan magsimula rin sa ating mga kababayan mismo. Yung mga kababayan natin, alam niyo, masakit man aminin…nakikita natin yung amount of litter na umaabot sa mga katubigan, siyempre nanggagaling sa mga tao ito,” dagdag pa niya.

“Kahit anong material ‘yan, kung maayos ang pagtatapon natin, hindi po tayo magkakaproblema na hinaharap natin ngayon.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here