MANILA, Philippines – Pinili ng Korte Suprema ang San Beda College Alabang (SBCA) sa Muntinlupa City bilang headquarters ng 2026 Bar Examinations na gaganapin sa Setyembre 6, 9, at 13.
Bukod sa pagiging command center, magsisilbi rin ang SBCA bilang isa sa 15 testing centers sa buong bansa.
Mayroong pitong testing centers sa Metro Manila, tatlo sa Luzon, tatlo sa Visayas, at dalawa sa Mindanao.
Saklaw ng Bar Exams ang anim na pangunahing asignatura:
-Political and International Law – 15%
-Commercial and Taxation Laws – 20%
-Civil Law at Land Titles and Deeds – 20%
-Labor Law and Social Legislation – 10%
-Criminal Law – 10%
-Remedial Law, Legal and Judicial Ethics with Practical Exercises – 25%
Ayon sa Korte Suprema, 14,291 ang nag-apply para sa 2026 Bar Exams, ang pinakamataas na bilang ng mga aplikante mula nang simulan ang pagsusulit noong 1901. Jocelyn Tabangcura-Domenden