Home NATIONWIDE Saging na saba ng Pinas nagpatibay sa panimulang export sa New Zealand

Saging na saba ng Pinas nagpatibay sa panimulang export sa New Zealand

4
0

MANILA, Philippines – Muling nagpadala ng sariwang saging na saba o cardava ang Pilipinas sa Auckland, ang ikalawang commercial shipment  na nagpatibay sa pundasyon ng bansa sa New Zealand at hudyat na nakakakuha na ng atensiyon sa pandaigdigang merkado ang prutas na madalas  ihain sa kusinang Pilipino.

Ang pinakahuling shipment ng Avante Agri-Products Philippines Inc. na nakabase sa Davao City ay kasunod ng matagumpay na pagdating ng unang export nitong mga unang buwan ng taon, isang tagumpay na nagpalakas sa kumpiyansa ng mga buyer at nagbukas sa pintuan para sa regular orders mula sa New Zealand.

Ang shipment at isang 40-foot  refrigerated container na may kargang 1,400 boxes ng export-quality na sariwang saging na saba patungo sa Fresh Produce Group NZ Ltd. Bawat box ay naglalaman ng 12 kilograms ng prutas, maingat na binalot at nakalagay sa palyeta upang mapreserba ang pagiging sariwa sa buong panahon ng biyahe habang tinutugunan ang mahigpit na pamantayan sa  food safety at plant quarantine ng New Zealand.

Sinabi ng kumpanya na dumating ang unang shipment na nasa maayos na kondisyon at maayos na tinanggap ng buyer, patunay na ang kalidad ng saging na saba ng Pilipinas ay  magiging daan para sa mga susunod na pagpapaluwas sa mga susunod na buwan.

Kaugnay nito, ang panibagong order ay isang paraan ng pagpapalakas para sa mga nagtatanim ng saging sa Mindanao, kung saan  dumadami ang mga producer na naghahanap ng iba’t ibang export markets at mabawasan ang pagdepende lamang sa mga tradisyunal na destinasyon.

Samnatala sinabi ni Department of Agriculture Regional Executive Director Macario D. Gonzaga na ang matagumpay na panibagong shipment ay patunay sa kakayahan ng  industriya ng saging sa Davao na matugunan ang pangangailangan ng international markets habang gumagawa ng dagdag na mga oportunidad para sa mga lokal na magsasaka.

“Itong ikalawang shipment ay testimonya sa dedikasyon ng ating mga magsasaka, exporters, at partners sa industriya na patuloy na naghahatid ng mataas na kalidad na saging na saba ng Pilipinas na nakatugon sa pandaigdigang pamantayan. Ipinapakita dito na ang ating katutubong pananim ay  mayroong malakas na potensiyal para pang-export, at mananatili tayong sumuporta sa mga inisyatiba na magpapalawak sa market access, mapataas ang kita ng mga magsasaka, at mas lalong palakasin ang posisyon ng Davao Region  bilang maaasahang pagmumulan ng mataas na kalidad ng produktong agrikultura,” ani Gonzaga.

Binibigyang-diin din ang lumalaking commercial na potensiyal ng Pilipinong katutubong mga pananim na matagal ng kinakain ng mga lokal subalit ngayon ay nagsisimula ng makakuha ng malawak na pandaigdigang pagkilala.

Ang export-quality na mga saging ay nagmula sa mga accredited na taniman sa Davao del Norte  at pinroseso sa isang accredited packing facility na ganap na nakatugon sa international food safety at export requirements, at binibigyang-diin  ang lumalaking sopistikasyon  ng sariwang  ani sa supply chain ng bansa. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here