MANILA, Philippines — Ipinadala na ng Senate impeachment court ang mga subpoena para sa tax, bank, at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records ni Vice President Sara Duterte.
Kinumpirma ito ni Senate Sergeant-at-Arms Alfred Corpus, na nagsabing naipadala na ang mga subpoena para sa mga hinihinging financial documents.
Hiniling ng prosecution na ipasumite ang mga financial records ni Duterte at ng kanyang asawa upang suportahan ang alegasyon sa impeachment complaint na nagsasabing nagkaroon ang bise presidente ng hindi maipaliwanag na yaman. RNT/MDS