MANILA, Philippines – Mapapanagot ang dapat na managot.
Ito ang siniguro ng Malakanyang sa kabila ng pagkakabenta sa Prime Water na una ng inulan ng ibat- ibang reklamo dahil sa palpak na serbisyo nito.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na sa kasalukuyan ay may mga hakbanging legal ng ginagawa upang masiguro na haharapin ng mga dating may- ari ang kanilang naging pagkukulang sa kanilang customers.
Ani Castro, ang Crystal Bridges na ang water concessioner matapos na mabili nito ang dating pag- aari ng mga Villar na Prime Water.
Winika pa nito na aprubado ng Philippine Competition Commission ang nangyaring bentahan at ang mga naging pagkukulang ng nakalipas na nagpapatakbo ng water concessioner ay patuloy na hahabulin ng gobyerno. (KRIS JOSE)