NAGPAHAYAG ng kanyang saloobin kahapon ang ating kaibigan—at kaibigan din ng maraming kasapi ng media—Atty. Alex Lopez, hinggil sa mga batikos na ibinabato kay ni Pangulong Bongbong Marcos.
Si Lopez, mga kabayan, ang ‘Chairman’ ng Philippine Reclamation Authority na itinalaga ni PBBM upang pamunuan ang ‘BOD’ (Board of DirectorsOD) noong 2023.
Una nilang “misyon” ay “linisin” ang dating “malansang” reputasyon nito (remember the PEA-Amari Scandal sa panahon ni FVR at PEA-Macapagal Boulevard construction scandal sa panahon ni GMA, mga kabayan?).
Kahit paano ay may ‘inside look’ tayo sa mga kaganapan ngayon sa PRA ‘and to be fair,’ wika nga, sadyang kagulat-gulat ang mga naging pagbabago at reporma sa loob ng ahensya na direktang nagrereport kay BBM dahil nasa ilalim ito ng ‘OP’ (Office of the President).
Halimbawa, dating “kamote” ang PRA sa kategorya nitong ‘Class C’ sa hanay ng mga ‘GOCCs’ (government owned and controlled corporations) pero ‘Class A’ na ngayon at nakapag-remit pa nga kamakailan lang ng higit P365 milyon sa ‘national treasury.’
Mula kasi sa ‘declared assets’ na lampas lang ng P37 bilyon noong 2022, aba’y lampas na ngayon sa P228 billyon na inaasahan pang madoble sa higit P500 bilyon sa susunod na taon!
Sa dami ngayon ng salapi ng PRA, isa na ito ngayon sa matibay na ‘Poverty Reduction Advocate’ (PRA) ni BBM at kaagapay niya sa pagtulong sa mga mahihirap na Pilipino.
Andyan ang P210 milyon badyet para sa ‘PRA National Hydroponic Farming Project’ na pakikinabangan ng higit 2 milyon kabataan mula sa 700 eskuwelahan sa buong bansa.
May pondo na ring P90 milyon para sa ‘full college scholarship’ ng higit 300 mga anak ng mga mangingisda at mga nanggaling sa mga komunidad na apektado ng mga ‘reclamation projects.’
Sa lahat ng ito, kay BBM dapat ibigay ang lahat ng kredito, ani pa ni Lopez, at sadyang ‘undeserving’ siya sa mga batikos.
Palagi pala kasing paalala sa kanila ng Pangulo na sa lahat ng bagay, ang pagpapabuti ng kalagayan ng mahihirap na Pilipino ang dapat pagtuunan ng buong gobyerno.
Abangan!






