Home METRO 20,000 raliyista inaasahan sa SONA

20,000 raliyista inaasahan sa SONA

1
0

MANILA, Philippines — Tinatayang 20,000 demonstrador ang inaasahang lalahok sa mga kilos-protesta sa Commonwealth Avenue ngayong Lunes, Hulyo 27, bago ang ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Pagsapit ng alas-9 ng umaga, nasa 2,000 raliyista na ang namonitor ng mga awtoridad sa harap ng PHILCOA. Ayon sa National Capital Region Police Office, 22,000 pulis ang ipinakalat sa buong Metro Manila, kabilang ang 10,000 na itinalaga sa Quezon City.

Sinabi ni NCRPO Regional Director Brig. Gen. Anthony Aberin na nananatiling mapayapa ang mga kilos-protesta at wala pang namomonitor na banta sa seguridad.

“So far po dito sa kaabahan ng Commonwealth area, generally peaceful po tayo. 100 percent na po yung deployment po natin dito. And of course may namumuo na po tayong rally sa along PHILCOA area.”

Tiniyak ni Aberin na paiiralin ng pulisya ang maximum tolerance ngunit pinaalalahanan ang mga demonstrador na sumunod sa batas.

“Sa mga sasali po sa rally, although nire-recognize po natin yung karapatan natin mag-organisa at magpahayag ng damdamin, ang karapatan po na ito ay may limitasyon. Sana po sumunod po tayo sa batas, nang sa ganun ay makaiwas po tayo sa mga potential na problema,” dagdag niya.

Isinara ang dalawang lane ng Commonwealth Avenue malapit sa St. Peter’s Parish upang bigyang-daan ang programa ng mga demonstrador. Nanatiling light to moderate ang daloy ng trapiko sa lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here